Paano Magpalaki ng mga Kalamnan o Muscles ng Mabilis
Gusto mo bang magkaroon ng laman at hugis ang katawan mo? Isa sa mga sikreto ay magpalaki ng mga kalamannan o muscles mo. Paano? Gawin ang mga sumusunod:
1. Para lumaki ang muscles, kailangang gumawa ng paraan upang mapunit ang muscle fibers mo at para magawa ito, kelangang pwersahin ang muscles na gumawa ng mga gawain na hindi ka sanay katulad ng pagbubuhat.
Kung nagtatrabaho ka na sa construction, hindi mo na kailangang magbuhat pa. Pero kung nagtatrabaho ka sa opisina, magsimula ka ng magbuhat ng mga dumbbell, barbel at subukan mo na rin ang mga weight lifting machines. Maggagawa mo ito kung mag-eenrol ka sa gym. Kung wala kang pambayad sa gym dahil mahal, kahit diyan na lang sa bahay ninyo, magbuhat ng mga bagay na mabibigat. Pero mas maganda sana kung papasok sa gym dahil meron dung mga dumbbell o barbel na may bigat ayon sa pangangailangan ng katawan mo. Maghanda ka lang ng 400-1000 pesos na pang-enroll.
2. Iwasan ang mga cardio exercises. Ang katawan, kelangan nito ng calories para lumaki ang muscles mo. Kung marami ang cardio execises mo katulad ng pagtakbo at pagbibisekleta, nagbu-burn ka ng calories na kailangan mo sa pagpapalaki ng muscles mo. Pwee mong gawin ang cardio exercises sa loob ng 2-5 minuto lamang bilang warm-up. Pagkatapos, magfocus sa weight training.
3.Kumain.Kahit mag-exercise tayo nang mag-exercise, kahit magbuhat tayo ng magbuhat ng mga bagay na mabibigat at kahit pasanin pa natin ang daigdig, kung hindi tayo kakain, hindi rin lalaki ang muscles natin. Magkakasakit lang tayo kung nagbubuhat tayo ng mabibigat nang hindi kumakain. Ang exercise, weight lifting, nagbibigay lang naman ng shape at nagpapalakas ng ating katawan pero ang numero unong nagpapalakas ng ating muscles ay ang pagkain. Binibigyan pa tayo nito ng energy.
Para magkaroon ng 1 pound na muscles,kailangan mo ng 3,500 calories. Sa isang linggo, ang achievable rate ng muscle ay 1-2 pounds. Kumain ng sa isang araw ng mga pagkaing magbibigay sayo ng 500-1000 calories sa bawat araw para sa isang linggo, makakuha ka ng 3,500-7,000 calories. Para mabilis kang makakuha ng 3,500 calories, kumain ng mga pagkain mayaman sa protina ktulad ng munngo, itlog, isda, manok, karne. Kumain din ng healthy fats katulad ng abokado at gata. Kumain din ng healthy carbohydrates katulad ng kamote.
4. Pwedeng uminom ng food supplements na mayaman sa protina.
5. Magpahinga pagkatapos ng weight training. Pag sobra ang pagwork out sa muscles, mada-damage ang muscle fibers at mahihirapan itong mag-repair at lumaki.
Kung sumakit ang katawan pagkatapos ng work out, magpahinga. Bumalik sa pagwork out kapag wala na ang sakit ng katawan.
Habang nagpapahinga, tulungan ang katawan na maka-recober sa pamamagitan ng pagkakaroon ng cold shower, pagpamasahe, pag-stretching, pagkakaroon ng breathing exercises at pagkakaroon ng tamang tulog.

Comments
Post a Comment